Juliana Maria Naval
Author
Ireland Gail Laguio
Artist
DDS o Dilawan?
DDS o Dilawan? Karaniwang mababasa o maririnig ang mga salitang ito kapag pulitika na ang paksa ng usapan. Ang “DDS” ay nangangahulugang “Die-hard Duterte Supporters” habang ang “Dilawan” naman ay bansag sa mga taong sumusuporta sa rehimeng Aquino. Palaging mayroong pagtatalo sa dalawang grupong ito, handang ungkatin ang pagkakamali ng parehong pangulo maipaglaban lamang ang kanilang idolo. Kapag dumating sa pagkakataong wala ka namang pinapanigan at nagsalaysay ng iyong hinanaing tungkol sa mga proyekto o gawain ng pulitiko, ika’y babansagang “DDS” o “Dilawan” depende kung sino ang sa tingin nilang iyong binabatikos o sinusuportahan. Matapos nito, ang panig na binabatikos ay nagtatanong ng “Ano bang ambag mo? Edi ikaw na lang umupo sa gobyerno.” Isang senyales na sila’y wala nang masabi at hindi na kayang ipaglaban ang sarili.
Bilang isang mamamayan, ako ay nagbabayad ng buwis. Hindi man kasing laki tulad ng ibinabayad ng mga nagtatrabaho, ngunit ang bayad na ito ay kailangan pa rin ng gobyerno. Ang buwis na ito ang nagpapasahod sa mga pulitiko at pondo sa kanilang mga proyekto. Masama bang humingi ng mabuting serbisyo mula sa mga pulitikong ibinoto at pinagkatiwalaan ng mga tao? Sa likod ng mga salitang aming binabato tuwing sila’y pinupuna ay ang hiling na sana’y magkaroon ng pagbabago kagaya ng kanilang mga ipinangako. Hindi namin hinihiling na maging perpekto ang namumuno. Ang kailangan ng mga Pilipino ay ang namumunong marunong makinig sa mga tao. Ang Pilipinas ay isang demokratikong bansa. Huwag sanang pagkaitan ng karapatan ang mga taong magsalita.
Bilang isang mag-aaral, tayo ang kinabukasan ng bayan. Ang tanyag na katagang ito mula kay Dr. Jose Rizal ay ginamit na sandata ng mga kabataan upang ipaglaban ang kanilang sarili. Hindi kami terorista o NPA. Sadyang ginagamit lamang namin ang aming utak sa maayos na paraan. Ano ang mangyayari sa kinabukasan ng bayan kung ang mga kabataan ay sarado ang isipan? Tinuturuan kami sa paaralan kung paano maging mabuting mamamayan at ipaglaban ang aming sarili mula sa mga taong magdudulot ng aming kapahamakan. Ang aming mga pinaniniwalaan ay hinubog ng aming mga pinag-aaralan at nababalitaan. Masasabi niyo bang kami ay mali kung ito ang itinuro ninyo sa amin?
Ang Pilipinas ay binubuo ng mahigit pitong libong pulong hinahati ng dalawang partido. Sa katanungang “DDS o Dilawan?” – sagot ko’y “Pilipino.” Hindi ko kailangan sambahin ang pangulo sa paggawa ng kanyang trabaho. Responsibilidad ng bawat Pilipinong pangalagaan at protektahan ang sariling bansa. Ang kamalian ng pinuno ay itinatama at hindi pinipilit maging tama. Sa panahon kung saan laganap ang pagtatalo ng bawat partido, nawa’y panigan ng mga Pilipino ang sariling bansa kaysa pairalin ang kayabangan huwag lamang mapahiya sa kalaban.
View more articles
Third World Romance: The Real Filipino Love Story
“Kahit pasukuin pa tayo ng sistema, ng buong mundo, ilalaban kita! Lalaban ako, kasama mo.” For us Filipinos, the portrayal of romance in the
Teachers’ Day Program: A Breath of Fresh Air for Setonian Educators
To acknowledge the diligence and alleviate the stress of the Elizabeth Seton School – South educators, allowing them a breath of fresh air and an
Grand Rosary Rally 2023: United in Faith and Justice
Elizabeth Seton School-South (ESS-South) held its Grand Rosary Rally along with the Marian Procession on Friday, October 13, 2023, celebrating the theme: Unity of Prayer,